Animoy supladong mga mukha
Bubungad sa isang bagong pasok sa hayskul
Ngingiti ngunit pilit
Sa estrangherong nakatadhana maging parte ng buhay ko.
Ang panaho'y lumilipas,
Ngunit 'di alintana sa t'wing ika'y nariyan
Kakambal ng sagot sa pagsusulit,
Maging sermon ng guro'y sabay hahalakhakan.
Kaututang-dila ng lumaon
Wari'y matalik na kaibigan sa halip na kaklase.
Sa nalalapit na pagtatapos,
Salamat sa halip na paalam aking kaibigan.
-Kristelle Marielle de Guzman
Ang Ani
wow
TumugonBurahingreat idea